Ano sa tagalog ang Contentment?

25 07 2008

maraming tao ang madaling makuntento sa buhay. may iba na masayahin lang talaga kaya wala nang iniisip pang ibang bagay. merong kumpleto ang pamilya, para sa kanila sapat na ‘yun. ang dahilan, hindi lahat ng tao katulad nilang nagmula sa maayos, malaki o masayang pamilya. dapat nga namang pahalagahan mo ang bagay na iyon. kahit na may ilang kaibigan ang mas mahalaga dahil wala silang masayang pamilya kung saan kumpleto at masayang nagsasama ang mga magulang mo. hindi nagaaway o nagtatagaan sa kalsada ang mga kapatid mo.

ang ilan sa atin, masaya na kapag may sariling bahay at kotse na. iyun ang kumukumpleto ng buhay nila. isa pa, kung may sariling pamilya na siya tulad ng pinapangarap niya noong bata pa.

marami sa ating lahat ang mababaw ang kaligayahan, konting kibot lang pedi na nilang sabihing kontento na sila. anu nga ba naman ang “kontento”? sabi sa Ingles, ito yung “happiness with one’s situation in life”

sa tingin ko naman, may kababawan talaga. o dahil ba mataas lang ang pangarap ko? ang sa akin kasi, ang masabihan ng Panginoong “well done, My good and faithful servant” and pinakamagandang bagay na makapagpapakuntento sa kin. masasabi ko na naging makabuluhan ang bawat sa oras sa buhay ko.

madaming pagkakataong pumalpak ako, pero iyon din ang naging dahilan kaya pilit ko pa ring inaabot na maganap nag oras na ‘yon. masasabi ko bang hindi ako marunong makuntento? hindi sapat ang lahat ng ginawa ko? oo. sa totoo lang, wala pang kabuluhan ang lahat kumpara sa ginawa ng Panginoong Hesus sa krus.

Parati ko’ng iniisip, paano ka makukuntento sa buhay na ito? kung inihain at inihanda Niya ang langit para sa’yo. Namatay Siya sa krus hindi lang para iligtas tayo. Ipinakita din ng Panginoon kung paanong nasasabik Siya na makasama tayo sa langit… habang buhay. Bagay na saka mo pa lang ikakukuntento. Kung ikaw ba naman ang antayin ng isang Diyos, ipakita ang Kanyang walang hanggan pagmamahal, tiyak na masasabik ka rin sa araw na yakapin ka Niya at mapangiti mo Siya. (munting paraan na tanging maibibigay mo para masuklian, hindi man matumbasan ang lahat ng Kanyang pagmamahal)

sa mga oras na ‘to, masaya ka pa rin ba? kuntento ka na ba sa mga nangyayari sa buhay mo? nagawa mo na ba ang mga bagay na makapagpapangiti sa tagapagligtas mo?

Juan 3:16, maaaring palasak na pero bakit hindi natin subukang basahin. isa isahin ang kahulugan ng bawat salita.

Kuntento ka na? Maniwala ako sa’yo.


Mga Tugon

Kaalaman

Mag-iwan ng puna