salamat din

19 08 2008

makailang beses ko ring nakita ang daan na ‘to.

mula sa tagahanga…

hindi ka naman nakakakilig tingnan. bakit nga ba? dahil siguro sa hindi ka nakakatunaw tumingin. hindi ku alam. nung mga oras kasi na ngiti mu lang ang napapansin ko, naging sapat na para hindi ko hanapin ang ibang bagay na kaya mo pang gawin. na kaya mo pa palang ibigay.

okey nga weh, madali ka palang kausap. kapag bago, ineentertain mu. hanggang ngayon, napansin ko’ng ginagawa mu pa rin ‘yun. at bukod sa madali, may itsura, may sense pang kausap. kaya nga ba hindi ko masisi ang sarili ko ng mga oras na ‘yun. at pati na rin ang ibang babae sa grupo ngayon.

sa mga unang araw ng pagpapalitan ng text, nabuo ang ilan sa mga plano ko sa buhay. sa paglilingkod. salamat nga pala. dahil ibinahagi mo rin sa ‘kin ang mga plano mo. tanda mo pa ba? ikaw, bilang si Pablo-wanna-be. Hehe!

…na naging kaibigan sa’yo.

hindi ko makakalimutan ang mga oras na ‘to. kung paano ko naging kaibigan sa’yo. tayo. magkaibigan. akalain mu ‘yun. hindi ko lubos maisip na magiging mahalaga para sa’yo ang opinyon ng isang tulad ko. sana naalala mo, kung paanong sinasaway tayo noon ng grupo dahil may sarili tayong usapan. ‘yun nga, ang sarili mong lovelife. para sa’kin, ala naman ‘yun. masaya pa nga kasi kahit sa ganoong paraan, nagkaroon aku ng halaga sa’yo. kahit bilang kaibigan.

ika-19 nga Agosto.

kahit hanggang ngayon, mahalaga pa rin para sa ‘kin ang mga simpleng bagay na nangyayari. kaya lang, tinatanong na ng utak ko kung hanggang kailan? napagod na rin akong marinig kung paanong iniisip kita kahita sa’yo bale wala na ‘ko. ganun ka pa rin sa mga bago, nakikipagkwentuhan at “kuya” sa kanila. dahil hindi na rin ako iba, siguro nga, iniisip mo na ngayon na hindi ko na kailangan ang atensyong ibinibigay mo dati.

ako lang naman talaga ang engot.

ako lang din makakaintindi ng lahat ng ito. dahil ako lang namang magisa rito mula simula.


Mga Tugon

Kaalaman

Mag-iwan ng puna