dadafd
kuya
21 08 2008alam mo, mabait ka namang kuya, nakita ko ‘yun. wala nga akong masabi pagdating dun, kasi, naranasan ko rin kung panu ka maging kuya sa mga bata. siguro nga, mas mganda na hanggang dun na lang.
salamat sa pakikipagkaibigan. salamat sa pagiging tahimik mo.
Mga Puna : Mag-iwan ng Puna »
Mga Kategoriya : The August, ako 'to, mga liham
salamat din
19 08 2008makailang beses ko ring nakita ang daan na ‘to.
mula sa tagahanga…
hindi ka naman nakakakilig tingnan. bakit nga ba? dahil siguro sa hindi ka nakakatunaw tumingin. hindi ku alam. nung mga oras kasi na ngiti mu lang ang napapansin ko, naging sapat na para hindi ko hanapin ang ibang bagay na kaya mo pang gawin. na kaya mo pa palang ibigay.
okey nga weh, madali ka palang kausap. kapag bago, ineentertain mu. hanggang ngayon, napansin ko’ng ginagawa mu pa rin ‘yun. at bukod sa madali, may itsura, may sense pang kausap. kaya nga ba hindi ko masisi ang sarili ko ng mga oras na ‘yun. at pati na rin ang ibang babae sa grupo ngayon.
sa mga unang araw ng pagpapalitan ng text, nabuo ang ilan sa mga plano ko sa buhay. sa paglilingkod. salamat nga pala. dahil ibinahagi mo rin sa ‘kin ang mga plano mo. tanda mo pa ba? ikaw, bilang si Pablo-wanna-be. Hehe!
…na naging kaibigan sa’yo.
hindi ko makakalimutan ang mga oras na ‘to. kung paano ko naging kaibigan sa’yo. tayo. magkaibigan. akalain mu ‘yun. hindi ko lubos maisip na magiging mahalaga para sa’yo ang opinyon ng isang tulad ko. sana naalala mo, kung paanong sinasaway tayo noon ng grupo dahil may sarili tayong usapan. ‘yun nga, ang sarili mong lovelife. para sa’kin, ala naman ‘yun. masaya pa nga kasi kahit sa ganoong paraan, nagkaroon aku ng halaga sa’yo. kahit bilang kaibigan.
ika-19 nga Agosto.
kahit hanggang ngayon, mahalaga pa rin para sa ‘kin ang mga simpleng bagay na nangyayari. kaya lang, tinatanong na ng utak ko kung hanggang kailan? napagod na rin akong marinig kung paanong iniisip kita kahita sa’yo bale wala na ‘ko. ganun ka pa rin sa mga bago, nakikipagkwentuhan at “kuya” sa kanila. dahil hindi na rin ako iba, siguro nga, iniisip mo na ngayon na hindi ko na kailangan ang atensyong ibinibigay mo dati.
ako lang naman talaga ang engot.
ako lang din makakaintindi ng lahat ng ito. dahil ako lang namang magisa rito mula simula.
Mga Puna : Mag-iwan ng Puna »
Mga Kategoriya : The August, ako 'to, mga liham
Ano sa tagalog ang Contentment?
25 07 2008maraming tao ang madaling makuntento sa buhay. may iba na masayahin lang talaga kaya wala nang iniisip pang ibang bagay. merong kumpleto ang pamilya, para sa kanila sapat na ‘yun. ang dahilan, hindi lahat ng tao katulad nilang nagmula sa maayos, malaki o masayang pamilya. dapat nga namang pahalagahan mo ang bagay na iyon. kahit na may ilang kaibigan ang mas mahalaga dahil wala silang masayang pamilya kung saan kumpleto at masayang nagsasama ang mga magulang mo. hindi nagaaway o nagtatagaan sa kalsada ang mga kapatid mo.
ang ilan sa atin, masaya na kapag may sariling bahay at kotse na. iyun ang kumukumpleto ng buhay nila. isa pa, kung may sariling pamilya na siya tulad ng pinapangarap niya noong bata pa.
marami sa ating lahat ang mababaw ang kaligayahan, konting kibot lang pedi na nilang sabihing kontento na sila. anu nga ba naman ang “kontento”? sabi sa Ingles, ito yung “happiness with one’s situation in life”
sa tingin ko naman, may kababawan talaga. o dahil ba mataas lang ang pangarap ko? ang sa akin kasi, ang masabihan ng Panginoong “well done, My good and faithful servant” and pinakamagandang bagay na makapagpapakuntento sa kin. masasabi ko na naging makabuluhan ang bawat sa oras sa buhay ko.
madaming pagkakataong pumalpak ako, pero iyon din ang naging dahilan kaya pilit ko pa ring inaabot na maganap nag oras na ‘yon. masasabi ko bang hindi ako marunong makuntento? hindi sapat ang lahat ng ginawa ko? oo. sa totoo lang, wala pang kabuluhan ang lahat kumpara sa ginawa ng Panginoong Hesus sa krus.
Parati ko’ng iniisip, paano ka makukuntento sa buhay na ito? kung inihain at inihanda Niya ang langit para sa’yo. Namatay Siya sa krus hindi lang para iligtas tayo. Ipinakita din ng Panginoon kung paanong nasasabik Siya na makasama tayo sa langit… habang buhay. Bagay na saka mo pa lang ikakukuntento. Kung ikaw ba naman ang antayin ng isang Diyos, ipakita ang Kanyang walang hanggan pagmamahal, tiyak na masasabik ka rin sa araw na yakapin ka Niya at mapangiti mo Siya. (munting paraan na tanging maibibigay mo para masuklian, hindi man matumbasan ang lahat ng Kanyang pagmamahal)
sa mga oras na ‘to, masaya ka pa rin ba? kuntento ka na ba sa mga nangyayari sa buhay mo? nagawa mo na ba ang mga bagay na makapagpapangiti sa tagapagligtas mo?
Juan 3:16, maaaring palasak na pero bakit hindi natin subukang basahin. isa isahin ang kahulugan ng bawat salita.
Kuntento ka na? Maniwala ako sa’yo.
Mga Puna : Mag-iwan ng Puna »
Mga Marka: contentment, happiness, juan 3:16, kaligayahan, kuntento, one situation, tagapagligtas
Mga Kategoriya : mga liham
The dancing angel
12 06 2008
she was able to dance gracefully anytime she wanted.
dance all day and night.
dance as if no one is around.
dance with stars and moon and sun…
…awesome!
She can spread her wings and soar high to distant lands.
Can touch the cold water underneath
wear that dress,
wear that hair,
wear that lace,
she can even wear that smile.
dream of someone she can have.
She can do all things,
She can do all things,
She can do all things…
…all things I cannot.
Mga Puna : Mag-iwan ng Puna »
Mga Marka: awesome, graceful, underneath
Mga Kategoriya : ako 'to
Merge with the Diamonds
2 11 2007They understand when I’m not there. They always will. The thing is, I’m not able to give back the love and friendship they deserve. I’m a fool. Damn me, can’t even show my friends their worth.
Got to move.
Mga Puna : Mag-iwan ng Puna »
Mga Marka: wednesday
Mga Kategoriya : rei Ayanami

Bagong Puna